Bagyong Marce bumagal matapos maglandfall sa Calamian Group of Islands

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2016 - 08:44 PM

Bumagal ang kilos ng bagyong Marce matapos itong makapag-landfall sa Calamian Group of Islands.

Sa 8PM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Coron, Palawan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 17 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Nabawasan naman na ang mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signals.

Ayon sa PAGASA, ang signal number ay nakataas na lang sa Calamian Group of Islands at signal number 1 sa Occidental Mindoro at Northern Palawan kabilang ang Cuyo Island.

Sa Linggo ng tanghali inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.

Samantala, sa abiso ng PAGASA, alas 7:58 ng gabi, nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan na hatid ng bagyong Marce.

Orange rainfall warning ang umiiral sa Iloilo habang yellow rainfall warning naman sa Capiz at Guimaras.

 

 

TAGS: Pagasa, Tropical Storm Marce, Pagasa, Tropical Storm Marce

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.