Tanong nga mga kongresista tungkol sa lovelife nina De Lima at Dayan, bastos ayon kay VP Robredo
Nabastusan si Vice President Leni Robredo sa ilang tanong ng mga kongresista sa buhay pag-ibig nina Senador Leila De Lima at dati nitong bodyguard/driver na si Ronnie Dayan.
Sa isang panayam, inamin ni Robredo na hindi niya personal na nasubaybayan ang hearing kahapon sa House of Reoresentatives.
Gayunman base sa napanood niya mga news reports at nabasa ang mga artikulo online patungkol dito, may mga tanong na hindi naman kailangang itanong at wala namang kinalaman sa usapin na iniimbestigahan.
Ayon kay Robredo, bagaman open book ang buhay ng mga public official tulad niya, walang lugar ang mga bastos na tanong sa kamara na iginagalang na institusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.