Bagyong Marce nag-landfall sa Calamian Grp of Islands
Tumama sa kalupaan ng Calamian Group of Islands ang Tropical Storm Marce alas sais ngayong gabi.
Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 55 kilometers Southeast ng Coron, Palawan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 100 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 22 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa Calamian group of Islands, Cuyo Island, Southern Occidental Mindoro at Southern Oriental Mindoro.
Habang signal number 1 naman ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Occidental at Oriental Mindoro, Northern Palawan, Romblon, Aklan at Antique.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.