Orange rainfall warning itinaas ng PAGASA sa 5 lalawigan sa Visayas
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa limang lalawigan sa Visayas na apektado ng bagyong Marce.
Alas 12:55 ng tanghali nang itaas ng PAGASA ang orange rainfall warning sa Iloilo, Capiz, Aklan, Antique at Guimaras.
Ito ay dahil sa ilang oras nang nararanasan na malakas at patuloy na pag-ulan.
Babala ng PAGASA, maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar sa limang lalawigan at maari ding makaroon ng landslides sa mga bulubunduking lugar.
Samantala, yellow rainfall warning naman ang nakataas sa Negros Occidental.
Mamayang bago mag alas 4:00 ng hapon muling maglalabas ng abiso ang PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.