Mismong si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na ang nagbigay ng kumpirmasyon na mayroon siyang dengue.
Sa isang text message, sinabi ni Belmonte na naka-confine pa rin siya sa St. Lukes Medical Center, at ongoing ang pagsusuri sa kanya.
Ipinaliwanag ni Belmonte na kagabi nang dumalaw ang kanyang anak na si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, hindi pa raw sigurado ang mga doktor kung tinamaan siya ng dengue.
Pero ngayong araw, nakumpirma nang may dengue ang House Speaker, batay sa mga isinagawang blood examination.
“When she visited me in the hospital the doctors were not sure that it was dengue. A study of last night blood tests confirmed its dengue,” ani Belmonte.
Mula noong Lunes ng umaga, masama na ang pakiramdam ni Belmonte pero pumasok pa rin ito sa kontrap kaya lumala ang lagnat nito.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa ‘gathering of friends’ para kay Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas nitong Martes.
Humihingi naman ang paumanhin si Belmonte sa lahat ng speaking engagements, courtesy calls at appointments na bigo niyang mapuntahan o magawa dahil sa kanyang karamdaman.
Inaasahan din na agad magbabalik-trabaho si Belmonte sa oras na gumaling na siya. / Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.