De Lima-Dayan love story, pinagpyestahan ng mga kongresista

By Kabie Aenlle November 25, 2016 - 04:39 AM

 

de-lima-dayanSa halip na sa koneksyon niya sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP), tila mas pinagtuunan ng pansin ng mga mambababatas kahapon sa pagdinig sa Kamara ang naging relasyon ni Sen. Leila de Lima sa kaniyang dating bodyguard na si Ronnie Dayan.

Bagaman kasi nagkaroon ng mga katanungan tungkol sa pag-tanggap ng pera ni Dayan mula sa confessed drug lord na si Kerwin Espinosa upang dalhin kay De Lima, marami ring naging tanong ang mga kongresista tungkol sa kanilang pitong taong pagsasama.

Pinangunahan ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang pag-iiba ng tono ng pagdinig sa Kamara kahapon, sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga personal na bagay tungkol sa relasyon ng dalawa.

Ipinalarawan kasi ni Fariñas kay Dayan kung gaano ba katindi ang pagmamahal nila ni De Lima sa isa’t isa, at sinagot naman ito ni Dayan na humina ito sa “Signal No. 1.”

Nagtawanan ang karamihan sa mga tao sa loob, na kinailangan pa ni House committee chair Rep. Reynaldo Umali na pagsabihan ang mga ito na pairalin ang “proper decorum.”

Hindi pa natigil si Fariñas at itinanong pa kung hanggang saang intensity umabot ang relasyon ni Dayan sa senadora na sinagot naman niya ng hanggang “Signal No. 5.”

Sinundan naman ito ni Deputy Majority Leader Fredenil Castro ng katanungan kung naging “wagas, dalisay at matatag” ba ang kanilang naging relasyon.

Pero ayon kay Dayan, dahil pinagtaksilan siya ni De Lima, kaya niya rin itong pagtaksilan sa ngalan ng batas at pagmamahal sa bayan.
Ginatungan pa ni 1-Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro ang personal na diskusyon nang tanungin niya si Dayan ng “When did you climax … the intensity of your feelings for each other?” na nagdulot ng hiyawan ng mga taong naroon.

Nang ipaliwanag naman ng anak ni Dayan na si Hannah Mae na “Tita Lei” ang ibig sabihin ng “TL” na pangalan ni De Lima sa kaniyang cell phone, nagbiro pa si Fariñas na maari rin itong maging “True Love” o “tulo laway,” na muling pinagtawanan ng mga tao sa Kamara.

Dahil sa mga naturang katanungang ibinato sa imbestigasyon, maraming netizens ang naglabas ng inis at galit sa ipinakitang misogyny ng mga kongresista.

Ayon naman kay House committee on women chair Rep. Teddy Baguilat, ayaw na nila itong ipursige pa dahil hindi naman sa paghahanap ng katotohanan sesentro ang imbestigasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.