Samu’t-saring baril mula sa isang gun store, kinumpiska ng QCPD

By Jay Dones, Jong Manlapaz November 25, 2016 - 04:29 AM

 

File photo

Kinumpiska ng Quezon City Police District ang iba’t-ibang baril sa isang gun store sa No. 15, 2nd Ave., Bry. Bagong Lipunan ng Crame, QC matapos na makabili ang mga otoridad dito ng hindi lisensyadong baril.

Ayon kay QCPD Deputy Dir. PSSupt. Crizaldo Nievez nagsilbi ng search warrant ang mga personnel ng DSOU-QCPD kina Joel Mendoza at Johnny Mendoza dahil sa paglabag sa RA 10591 o mas kilala sa tawag na “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Sinabi ni Sr. Supt. Nievez, nagpostibo ang kanilang operasyon laban sa mga suspek matapos na makabili sila ng baril na walang lisensya.

Ang kinakabahala pa ng opisyal, dahil sa walang lisensya ang mga binibentang baril, hindi na babantayan ng PNP kung sino ang mga bumibili ng baril.

Isasailalim naman sa verification ang mga nakuha at kinumpiskang 11 assorted long firearms at 53 assorted short firearms kung ang mga ito ay may kaukulang dokumento.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.