Ronnie Dayan: “Nasampal ko ng bahagya si Ma’am nung nabalitaan kong boyfriend na niya si Warren”

By Dona Dominguez-Cargullo, Isa Avendaño-Umali November 24, 2016 - 11:09 AM

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Bahagi ng affidavit ni Ronnie Dayan ang kwento nito kung bakit nauwi sa hiwalayan ang pitong taon na relasyon nila ni Senator Leila De Lima.

Sa apat na pahinang affidavit ni Dayan, sinabi niyang pitong taon silang naging magka-relasyon ni De Lima at nagsimula ito taong 2007.

Nasa law office pa lamang noon si De Lima sa Panay Avenue sa Quezon City nang mag-apply siya bilang driver, at makalipas ang tatlong buwan, nauwi sa relasyon ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

Alam umano ng pangalawalang anak ni De Lima ang kanilang relasyon, at noong panahon na iyon, alam din umano ni De Lima na si Dayan ay kasal na mula pa taong 1991.

Ayon kay Dayan, nagpatuloy ang relasyon nila ni De Lima hanggang sa maging chairperson ng Commission on Human Rights si De Lima at maging Justice secretary kung saan nagsilbi na rin siyang close-in security nito.

Taong 2010 aniya nang magsimula silang magsama sa iisang bubong ni De Lima nang lumipat ito ng tirahan sa Parañaque City.

Pero bago pumasok ang taong 2015, nagsimula na umano silang magkalabuan. Kwento ni Dayan, si De Lima ang nagsabi na hindi na sila nagiging masaya at napapadalas na ang pag-aaway.

Nabalitaan na lamang umano niya na may bago nang boyfriend si De Lima sa katauhan ng kaniyang ‘hagad’ na si Warren Cristobal.

Ayon kay Dayan, nang malaman niya iyon, nasampal niya si De Lima.

“Kaya nung nabalitaan ko na ‘yung isang hagad niya, na ang pangalan ay Warren Cristobal, ang bagong boyfriend niya, parang nasampal ko ng bahagya si Ma’am. Sabi ko, ‘Uubusin mo yata kaming mga security mo ah!’, bahagi ng affidavit ni Dayan.

Simula aniya ng January 2015, madalas nang lumiban si Dayan sa trabaho dahilan para ipatawag siya n De Lima at papirmahin sa resignation letter.

Ani Dayan, para wala makaiwas na rin sa gulo, pumirma na siya sa resignationletter noong February 2015.

Inamin din ni Dayan na malaking bahagi ng perang ipinampagawa ng bahay niya sa Pangasinan ay mula kay De Lima.

Taong 2007 aniya nang unang manghingi siya kay De Lima ng P700,000 para mabili ang lupa na kinatitirikan ng bahay.

Ang ipinampatayo naman ng bahay ay mula sa ipon ni Dayan na P800,000 habang ang P2,000,000 pa ay mula kay De Lima.

 

TAGS: Bilibid Probe, house justice committee, leila de lima, ronnie dayan, Bilibid Probe, house justice committee, leila de lima, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.