Espenido: “Nabaligtad ang sitwasyon, spoiled na spoiled si Kerwin”

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2016 - 09:36 AM

Inquirer Photo | Richard A. Reyes
Inquirer Photo | Richard A. Reyes

Hindi napigilan ni Albuera Police chief, Maj. Jovie Espenido ang madismaya sa naging takbo ng pagdinig sa Senado kahapon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Espenido na kitang-kita na lalo pang yumabang si Kerwin Espinosa Jr.

Sinabi ni Espenido na napanood naman ng buong sambayanan at kitang-kita ang asta ni Espinosa kahapon sa senate hearing na tila ba ang dating ay siya pa ang biktima.

Dismayado si Espenido sa halatang pag-spoil ng mga opisyal kay Kerwin na aniya ay hindi na itinuturing na drug lord o suspect man lang.

Dahil sa asta kahapon ni Espinosa sa senado, sinabi ni Espenido na lalo pang nangamba at nawalan ng gana ang mga testigo sa Albuera.

“Lahat ng testigo ko sa Albuera, ang gusto lumayas na nung makita nila ang asta ni Kerwin kahapon. Spoiled si Kerwin, hindi siya itinuturing na isang drug lord, hindi suspect ang turing sa kaniya,” ani Espenido.

Maging ang mga tauhan ni Espenido sa Albuera Police ay napansin din umano ang kaganapang ito sa senado kahapon.

Ayon kay Espenido, biro pa nga ng kaniyang mga tauhan, baka sa huli, mauwi ang mga pangyayaring ito sa kinahinatnan ni “Cardo” sa tanyag na teleseryeng “Ang Probinsyano”.

Sinabihan umano siya ng kaniyang mga tauhan na baka ang ending nito ay siya pa ang makasuhan at makulong.

“Sabi ng mga tao ko, baka ang maging kahinatnan nito ay yung teleserye na “Ang Probinsyano”. Hindi ko alam ang storya nung teleserye pero sabi ng mga tao ko baka ang ending ako pa ang makulong,” dagdag pa ni Espenido.

 

 

TAGS: Albuera Leyte, drugs, Jovie Espenido, kerwin espinosa, senate hearing, Albuera Leyte, drugs, Jovie Espenido, kerwin espinosa, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.