Bagyong Marce, patuloy na lumalapit sa Surigao; mga lugar na nakasailalim sa signal number 1 nadagdagan pa

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2016 - 09:28 AM

Napanatili ng bagyong Marce ang lakas nito habang kumikilos papalapit sa Surigao provinces.

Sa 11AM update mula sa PAGASA, ang tropical depression Marce ay huling namataan sa 160 km East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers kada oras at pagbugsong aabot sa 55 kilometers kada oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 17 kada oras sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA, nakataas ang public storm warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:

(LUZON)
Romblon
Cuyo Island

(VISAYAS)
Leyte
Southern Leyte
Bohol
Cebu
Bantayan Island
Camotes Island
Siquijor
Negros Oriental
Negros Occidental
Iloilo
Capiz
Aklan
Antique
Guimaras

(MINDANAO)
Surigao del Norte
Siargao Island
Surigao del Sur
Dinagat Islands
Agusan del Norte

Agusan del Sur
Misamis Oriental
Camiguin

Ngayong tanghali ay posibleng tumama ang bagyong Marce sa kalupaan ng Surigao.

 

 

 

TAGS: Pagasa, Tropical Depression Marce, weather update, Pagasa, Tropical Depression Marce, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.