Hepe ng Albuera Police, magpapa-relieve sa pwesto

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2016 - 08:56 AM

jovy espenidoHihilingin ng hepe ng Albuera Police na si Chief Inspector Jovie Espenido na maalis siya bilang pinuno ng istasyon ng pulisya sa nasabing bayan.

Ito ay matapos ang pagdinig kahapon sa Senado kung saan mismong si Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang nagsabi na may natanggap siyang mga impormasyon na maging si Espenido ay tumatanggap ng pera na kita mula sa illegal drugs.

Ayon kay Espenido, para masiguro sa publiko na malinis ang kaniyang kunsensya at para walang masabi sa kaniya, hihilingin niya mismo sa kaniyang superior na alisin siya sa Albuera.

Mas mabuti aniya kung ililipat siya sa pinakamalayong lugar kaysa panatilihin siya sa Visayas,

“Magpa-relieve voluntarily sa superior ko, hihilingin ko na ilagay na lang ako sa ibang lugar, kahit sa pinakamalayo,” ayon kay Espenido sa panayam ng Radyo Inquirer.

Nanindigan naman si Espenido na hindi siya kailanman tumanggap ng pera mula sa illegal drugs at kahit pa sa sugal.

Ayon kay Espenido, kaya nga kahit saan siya ma-assign ay walang alkalde ng mga bayan na natutuwa sa kaniya.

Para sa hepe ng Albuera Police, nagawa na niya ang kaniyang mission makaraang mabuwag ang grupo ni Kerwin Espinosa, masampahan ito ng kaso maging ang iba pang mga sangkot sa drug trade sa lugar, at nadakip na din ang batang Espinosa.

Ipinapasa-Diyos na lamang umano niya ang pangyayari, dahil ang Panginoon naman ang nagbigay sa kaniya ng trabaho.

“Complied na ako sa mission na ibinigay nila sa akin, nabuwag ko ang grupo, nasampahan na ng kaso, naaresto na si Kerwin. Hindi ko man kayo makumbinse sa mga sinasabi ko, kahit sa Panginoon na lang, at least sa Panginoon mapatunayan ko ang trabaho ko, dahil siya ang nagbigay sa akin ng trabaho ko, tuloy ang paniwala ko sa Panginoon, hihingi na lang ako wisdom sa kaniya,” dagdag pa ni Espenido.

 

 

TAGS: Albuera Leyte, drugs, Jovie Espenido, kerwin espinosa, Albuera Leyte, drugs, Jovie Espenido, kerwin espinosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.