Paglalagay sa WPP nina Dayan at Espinosa minamadali na ng DOJ
Ilalagay ng Department of Justice ang suspected drug lord na si Kerwin Espinosa at dating driver-lover ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan sa Witness Protection Program.
Ayon kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, “provisionally” ay isasailalim nila sina Espinosa at Dayan sa WPP hanggang sa final evaluation kung magiging qualified ba sila o hindi.
Dapat aniyang hindi maging pinaka-guilty sina Espinosa at Dayan sa Bilibid drug trade para tuluyan silang makapasok sa WPP.
Sinabi rin ni Aguirre na ang mga testimonya ng mga inmate sa Bilibid laban kay De Lima sa isinagawang House probe ay hindi maaaring gamitin laban kina Espinosa at Dayan.
Sa huli, ang Korte aniya ang magdedesisyon kung bibigyan ba sina Espinosa at Dayan ng immunity sa mga kaso laban sa kanila.
Kanina sa pagdinig ng Senado ukol sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa ay humarap ang kanyang anak na si Kerwin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.