Ronnie Dayan handa na sa pagharap sa imbestigasyon ng Kamara

By Isa Avendaño-Umali November 23, 2016 - 05:05 PM

Ronnie dayan2
Inquirer file photo

Nabigyan na ng abogado si Ronnie Dayan na nakatakdang humarap sa reopening ng imebestigasyon ng House Justice Panel ukol sa Bilibid drug trade.

Ayon kay Justice Committee Chairman Rey Umali, dalawa hanggang tatlong abogado ang naibigay kay Dayan.

Sila’y sina Attys. Manny Buenaventura at Abet Reyes, na kapwa mula sa Intergrated Bar of the Philippines o IBP.

Bigo raw kasi na makakuha si Dayan ng sariling abogado, kaya ni-request na lamang sa IBP na tulungan ang dating driver/lover ni Senadora Leila de Lima.

Sinabi pa ni Umali na ngayong hapon ay kukunan ng affidavit o sworn statement si Dayan na naka-detain sa isang detention room sa Batasan complex.

Umaasa naman si Umali na ilalahad ni Dayan ang lahat-lahat ng nalalaman niya at syempre ang buong katotohanan hinggil sa umano’y pagkakasangkot nila ni De Lima sa drug trade sa NBP.

Tiniyak din ni Umali na isang ‘freeman’ na si Dayan matapos ang kanyang pagharap sa Justice Panel bukas.

Sakali namang humingi si Dayan ng proteksyon sa Kamara, sinabi ni Umali na kailangan pa itong pagpasyahan ng House leadership.

Makikipag-ugnayan din aniya sila sa Witness Protection Program o WPP.

TAGS: Congress, dayan, umali, WPP, Congress, dayan, umali, WPP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.