“Gen. Dolina, Gen. Loot, tumanggap sa akin ng payola” – Kerwin Espina

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo November 23, 2016 - 11:42 AM

Dolina and LootKapwa pinangalanan ni Kerwin Espinosa Jr., sina dating Police Generals Vicente Loot at Asher Dolina na tumanggap sa kaniya ng payola mula sa kita sa ilegal na droga.

Si Loot ay dating deputy regional director for administration ng Police Regional Office sa Eastern Visayas habang si Dolina naman ay dating Regional Director sa PNP Region 8.

Kwento ni Espinosa sa pagharap niya sa senado, taong 2015 nang tawagan siya ni Victor Espina na aniya ay ‘bagman’ ni Dolina.

Sinabi umano ni Espina na gustong makipag-usap sa kaniya ni Dolina para hingan siya ng protection money na P500,000 kada buwan.

Pero ayon kay Espinosa, tumawad sya ng P300,000 kay Espina dahil hindi niya kaya ang kalahating milyon kada buwan.

Sinabi ni Kerwin na nakausap pa niya mismo si General Dolina noon sa pamamagitan ng cellphone ni Espina.

February 2015 ani Kerwin nang magdeposito siya ng P3 milyon para kay General Dolina na advance umano para sa monthly payola ng heneral, dahil kulang daw ang pambili nito ng Land Cruiser.

Habang si General Loot, ayon kay Kerwin ay maraming beses niyang nabigyan ng P120,000 na payola.

Ang pulis aniya na nagpakilala sa kaniyang Leo Laraga ang nagsilbi namang ‘bagman’ ni Loot at tumatawag noon kay Kerwin. Si Laraga ay tauhan ng CIDG Region 8.

Ani Kerwin, sa P120,000 na payola para kay Loot, P100,000 ang para sa heneral at P20,000 naman kay Laraga.

 

 

 

TAGS: Asher Dolina, kerwin espinosa, Leo Laraga, Vicente Loot, Victor Espina, Asher Dolina, kerwin espinosa, Leo Laraga, Vicente Loot, Victor Espina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.