6 RCBC officials, inireklamo ng AMLC dahil sa money laundering

By Jay Dones November 23, 2016 - 04:33 AM

 

Inquirer file photo

Anim na mga opisyal ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ang sinampahan ng reklamo ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) kaugnay sa kontrobersyal na $81 million cyberheist na natangay mula sa Bangladesh Bank.

Ang naturang halaga ay nagmula sa account ng Bangladesh Bank sa Federal Bank of Ney York na nailipat sa account dito sa Pilipinas bago tuluyang nailabas muli ng bansa.

Kabilang sa mga nakasuhan sa DOJ sina dating RCBC Treasurer Raul Victor Tan, National Sales Director for Retail Banking Ismael Reyes, Regional Sales Director for Retail Banking Brigitte Capiña, Direct Sales Director Nestor Pineda, Customer Service Head for Jupiter, Makati Business Center Romualdo Agarrado, at Senior Customer Relations Officer for Jupiter, Makati Business Center Angela Ruth Torres.

Ayon sa AMLC< lumitaw sa kanilang imbestigasyon na lumabag sa Section 4, ng Anti-Money Launering Act (AMLA) ang anim.
Matatandaang nagbitiw na sa kanyang puwesto si Tan sa gitna ng kontrobersiya.

Natanggal naman sa puwesto si Torres kasama si Jupiter Branch Manager Maya Santos-Deguito matapos madawit sa sa money laundering scheme.

February ng kasalukuyang taon nang sumingaw ang pagkawala ng $81 milyon ng Bangladesh Bank na nasa US Federal Reserve of New York at nailipat sa RCBC Jupiter Branch sa Makati bago napunta sa ilang personalidad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.