2 pamangkin ni dating Agriculture Sec. Alcala, arestado sa buy-bust operation sa Sariaya, Quezon

By Rohanisa Abbas November 22, 2016 - 11:21 AM

handcuffsNaaresto ang dalawang pamangkin nina dating Agriculture Secretary Proceso Alcala at Quezon Representative Vicente Alcala, at apat na iba pa sa isang buy-bust operation sa Sariaya.

Nasabat sa mga ito ang 62.3 gramo ng shabu na nagkakahalagang 225,255 pesos, tatlong kotse at isang motorsiklo.

Ayon kay Senior Superintendent Antonio Yarra, direktor ng pulisya ng Quezon, ang naaresto na nakilalang si Sahjid Alcala ay isang high-value target na nasa drug watch list ng pulisya.

Nahuli si Sahjid matapos magbenta ng shabu sa isang undercover na pulis sa Barangay Balubal bandang 1:15 ng umaga ng Martes.

Si Sahjid ay anak ng nakababatang kapatid nina Proceso at Vicente na si Cerilo Alcala.

Ayon pa sa pulisya, ang mag-amang Cerilo at Sahjid ay ang pinaka-maimpluwensyang drug personalities sa Quezon dahil sa koneksyon nito sa pulitika.

Matatandaang idinawit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang miyembro ng pamilya Alcala, isang kilalang political clan sa Quezon, bilang sangkot sa iligal na droga.

Samantala, ilan pa sa mga naaresto ay sina Cerolleriz Alcala na nakababatang kapatid ni Sahjid, mga kasamang sina Joel Jamilla Lambit, Noel Abutin, Dona May Abastillas at Yumeko Angela Tan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.