Bolivia, nagdeklara ng state of emergency dahil sa matinding tagtuyot
Nagdeklara ang pamahalaan ng Bolivia ng state of emergency, Lunes matapos makaranas ng water shortage ang malaking lugar sa bansa sa gitna ng nararanasan nilang tagtuyot na umabot na ng halos dalawampu’t-limang taon.
Ayon kay Bolivia Vice Ministry of Civil Defense, tinatayang nasa 125,000 na pamilya na ang apektado sa nararanasang tagtuyot, 290,000 hectares naman ang napinsala na nito sa agrikultura,kabilang na ang 360,000 na mga baka.
Nanawagan si President Evo Morales sa mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng mga pondo at mga manggagawa na maghuhukay ng mga drill wells at mag-transport ng tubig sa lungsod, sa tulong ng suporta ng sandatahang lakas.
Sa isinagawang press conference, sinabi ni Morales na, “We have to be prepared for the worst.”
Aniya, ang naturang krisis na kanilang nararanasan ay isang oportunidad upang mag plano ng malalaking investments upang makapag-adapt sa epekto ng climate change sa kanilang bansa lalong lalo na pagdating sa water supply.
Samantala, ang kanilang nararanasang krisis ay nagdulot ng mga protesta sa pangunahing lungsod at alitan sa pagitan ng mga minero at mga magsasaka sa paggamit ng aquifers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.