Army officer patay, dalawa pa sugatan sa pananambang sa Zamboanga Del Sur

By Erwin Aguilon November 22, 2016 - 04:25 AM

 

dinas zamboanga del surIsang opisyal ng militar ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan makaraang tambangan sa Dinas, Zamboanga Del Sur.

Nakilala ang nasawi na si 2Lt. Joseph Cartajena habang nasugatan naman ang dalawa pang sundalo na kinilala lamamg na sina Cpl. Dagondon at PFC Labiaga na pawang nakatalaga sa Bravo Company ng 53rd Infantry Battalion ng Army.

Nabatid na binabagtas ng isang military truck lulan ang limang sundalo at isang Cafgu ang Purok 4, Brgy. Guinicolalay, Dinas, Zamboanga del Sur nang tambangan ng tinatayang nasa sampung miyembro ng mga armadong grupo.

Pabalik na sana sa kanilang kampo ang mga biktima ng maganap ang pananambang.

Hindi pa naman mabatid kung mayroong nasugatan o nasawi sa panig ng mga rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.