Kapalaran ni Robredo sa gabinete ipapaubaya kay Duterte

By Mariel Cruz November 21, 2016 - 07:44 PM

robredo duterte
Inquirer file photo

Hahayaan ni Vice President Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte na magdesisyon sa mga panawagan na bumitiw na bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council ang pangalawang pangulo.

Lumutang ang mga panawagan matapos batikusin ni Robredo ang biglaang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Robredo, bahala na si Pangulong Duterte na magdesisyon kung pagbibitiwin siya sa puwesto o hindi.

Kamakailan ay nanawagan sa mga opisyal ng Duterte administration si dating Sen. Rene Saguisag at ilang human rights lawyers na magbitiw na lamang sa puwesto ang mga tutol sa desisyon ng pangulo ukol sa hero’s burial ni Marcos.

Si Robredo na dati ring human rights lawyer ay kabilang sa mariing tumututol sa paglilibing sa namayapang diktador sa Libingan ng mga Bayani.

Noong Biyernes, palihim na dinala ang mga labi ni Marcos sa Maynila mula sa Batac, Ilocos Norte at inihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Tanging ang Pamilya Marcos, ilan sa kanilang kaanak at piling opisyal ng AFP at PNP ang nakaalam sa paglilibing sa dating pangulo sa nasabing sementeryo.

Matapos ang paglilibing, agad na nagbigay ng komento si Robredo at sinabing hindi na bago ang nasabing hakbang ng mga Marcos na may tagong yaman at pang-aabuso sa karapatang pantao.

Mariin din itong kinondena ni Robredo at inihayag pa na si Marcos ay isang magnanakaw, mamamatay tayo at diktador.

TAGS: duterte, hudcc, Marcos, Robredo, duterte, hudcc, Marcos, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.