ERC Chairman Salazar, magpapaliwanag kay Pangulong Duterte pagbalik ng bansa galing Peru
Nakarating na sa pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lima, Peru kung saan pinagbibitiw nito ang mga opisyal ng ERC dahil sa isyu ng katiwalian.
Ayon kay ERC Chairman Jose Vicente Salazar, hinihintay lamang aniyang makabalik sa bansa si Pangulong Duterte at agad siyang hihiling ng pulong dito.
Ito ay para mabigyan aniya ng mas malawak na impormasyon ang pangulo sa mga kaganapan ngayon sa ERC.
“We were informed about the President’s statement made in Lima, Peru regarding a call for the resignation of all ERC officials in the wake of the recent issues confronting the organization. I am now waiting for the President’s return and will immediately seek out a meeting with him to give him a fuller picture of the current developments at the ERC,” ayon kay Salazar.
Kumpiyansa si Salazar na sandaling makapulong nila ang pangulo at magbigyan ito ng sapat na impormasyon, mas magkakaroon ng malinaw na direksyon sa mga usaping kinakaharap ngayon ng komisyon.
Tiniyak naman ni Salazar na inirerespeto niya ang pahayag ng pangulo at sinabing gagawa ng karampatang aksyon para maprotektahan ang ERC.
Bahagi na aniya ng mga naisagawang hakbang ay ang paghiling sa Commission on Audit na agad imbestigahan ang mga aelgasyon ng nagpatiwakal na opisyal nila na si Director Francisco Villa Jr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.