De Lima kay Kerwin: ‘Kooperasyon’ hindi sapat upang maligtas ang iyong buhay

By Jay Dones November 21, 2016 - 04:33 AM

 

Noy Morcoso/Inquirer.net

Nagbabala si Senador Leila De Lima kay Kerwin Espinosa sa posibilidad na sapitin nito ang kahalintulad na kapalaran na inabot ng kanyang ama na si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. kahit ‘may kooperasyon’ na ito sa pamahalaan.

Sa statement ni De Lima, sinabi nitong malaki ang posibilidad na gawin lahat ng administrasyon ang makakaya nito upang ‘mapatahimik’ rin si Kerwin sa oras na makuha na nito ang kanilang gusto sa batang Espinosa.

Ito rin aniya ang kanyang nakikitang sasapitin ng convict na si Jaybee Sebastian kalaunan, pahayag ni De Lima.

Sa pagharap ni Kerwin sa senate hearing, hindi na rin siya aniya mabibigla kung siya ay idiin nito at iugnay sa operasyon ng iligal na droga upang patuloy siyang siraan at gibain.

Kahit sino aniya ang ilantad ng Duterte administration, malinaw aniyang tanging testimonya lamang ng mga convict ang ginagamit laban sa kanya at walang matibay na ebidensyang pinanghahawakan ang mga ito upang idiin siya sa mga maling bintang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.