Subpoena laban kay De Lima, ilalabas na ng DOJ
Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na ilalabas na sa papasok na linggo ang subpoena laban kay Senadora Leila de Lima.
Ayon kay Aguirre, ang naturang subpoena kay de Lima ay para sa preliminary investigation ukol sa drug trade sa New Bilibi Prisons o NBP, partikular noong panahong kalihim pa ng DOJ ang ngayo’y senadora.
Bukod kay de Lima, sinabi ni Aguirre na may iba pang respondents na sinubpoena para humarap sa pagsisiyasat na hinahawakan ng 5-man panel of prosecutors.
Muli namang sinabi ni Aguirre na ang pag-amin ni de Lima na kanyang pakikipag-relasyon noon sa kanyang driver/bodyguard na si Ronnie Dayan ay magpapalakas sa mga kaso laban sa lady solon.
Sa report naman na nahuli na raw si Dayan, walang naibigay na kumpirmasyon si Aguirre.
Pero gaya umano ng kanyang pahayag noon, may politiko raw na nagkakanlong kay Dayan.
Matatandang nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Dayan dahil sa kabiguan niyang dumalo sa imbestigasyon ng Kamara sa kabila ng subpoena.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.