2 Indonesian nationals, dinukot sa karagatang sakop ng Sabah

By Isa Avendaño-Umali, Ricky Brozas November 20, 2016 - 01:12 PM

Sabah MalaysiaDalawang mangingisdang Indonesians ang dinukot ng mga pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group o ASG, ayon sa Armed Forces of the Philippines o AFP.

Sa impormasyong nakalap ng Western Mindanao Command o Wesmincom, lima ang suspek na pawang armado at naka-maskara nang dukutin ang mga biktima dakong 1:30 ng Sabado ng gabi sa bahagi ng karagatan sa Merabong, malapit sa Kunak District, Sabah, Malaysia.

Kinilala ang mga biktima na sina Indonesian nationals Sawal Maryam at Saparuddin Kone.

Gamit ang speedboat ay tumakas ang mga bandido.

Inalerto na ang Joint Task Force Tawi-Tawi hinggil sa insidente ng kidnapping.

Matatandaang na noong Mayo, pinalaya ng ASG ang nasa labing apat na mangingisda.

Noong Hulyo naman, sinabi ng Malaysian police na limang Malaysian tugboat crew ang kinidnap sa bahagi ng Sabah.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.