65th Miss Universe, ipapalabas sa lahat ng local TV networks sa Pilipinas

By Isa Avendaño-Umali November 20, 2016 - 09:53 AM

miss universe
File photo: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

Ipapalabas sa lahat ng local TV networks sa bansa ang 65th Miss Universe sa January 30, 2017.

Kinumpirma ni Department of Tourism o DOT Undersecretary for Media Affairs Kat De Castro na ang airing ng Miss Universe pageant ay nasa pagitan ng alas-otso ng umaga hanggang alas-nuebe ng umaga.

Hinimok naman ni De Castro ang mga nais na manuod ng beauty contest na maagang pumunta sa Mall of Asia o MOA arena.

Mayroon na rin aniyang binuong inter-agency task force ang DOT, na kinabibilangan ng Philippine National Police o PNP, Armed Forces of the Philippines o AFP, Department of Interior and Local Government o DILG, Department of Transportation o DOTr, Department of Finance o DOF upang tiyakin na magiging maayos ang Miss U. sa Pilipinas.

Ang DOTr at Metro Manila Development Authority o MMDA ang inatasan para maisayos ang daloy ng trapiko sa kasagsagan ng pageant.

Matatandaan na kabilang sa mga bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na hindi dapat makaranas ng matinding trapiko habang isinasagawa ang Miss Universe finals, lalo’t nataong sa araw ng Lunes ang petsa nito.

Ang iba pang events na may kinalaman sa Miss Universe ay isasagawa sa iba’t ibang panig ng bansa, gaya sa Davao, Bicol, Cebu, at Vigan, habang may photoshoots sa Baguio, Palawan, Siargao, Tacloban at Iloilo.

Ang nakatakdang Miss Universe ang ikatlong pagkakataon na iho-host ng Pilipinas.

Matatandaang naidaos ang prestihiyosong pageant sa ating bansa noong 1974 at 1994.

TAGS: 65th Miss Universe, 65th Miss Universe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.