Panibagong price adjustments sa ilang produktong petrolyo, nakaamba
By Isa Avendaño-Umali November 20, 2016 - 09:15 AM
May aasahan ang publiko na panibagong price adjustment sa ilang produktong petrolyo.
Batay sa oil industry, nasa 5 centavos hanggang 10 centavos ang kaltas sa kada litro ng diesel.
Sa gasolina, posibleng wala hanggang 5 centavos ang dagdag-presyo sa bawat litro.
Wala namang paggalaw sa halaga ng kerosene.
Sa ngayon ay wala pang pormal na anunsyo ang mga kumpanya ng langis hinggil sa price adjustments.
Pero epektibo ito anumang araw ngayong linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.