Dating Pangulong Aquino, nais muna pakinggan ang opinyon ng iba sa Marcos burial

By Kabie Aenlle November 19, 2016 - 06:21 AM

Aquino Times1Hindi dapat kalimutan ang mga biktima ng martial law, pati na ang mga alaala ng mga nagsakripisyo para ipagtanggol ang demokrasya sa bansa.

Ito ang sinabi ni dating Pangulong Benigno Aquino III matapos ang kontrobersyal na biglaang Marcos burial kahapon.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Abigail Valte, naniniwala si Aquino na sa mga ganitong sitwasyon, marapat lang na pakinggan ang mga opinyon at kwento mula sa iba’t ibang panig tungkol sa isyu.

Hindi rin aniya nakatakdang dumalo si Aquino sa anumang kilos protesta kaugnay sa Marcos burial kahapon.

Huling nakita si Aquino sa isang prayer rally noong November 6 para sa mga Supreme Court justices na boboto para sa petisyon laban na pumipigil sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pahintulutan ang Marcos burial.

Magugunita na si dating Pangulong Marcos at ang asawa niyang si Imelda ang pinaniniwalaang mastermind sa pagpatay sa ama ni Aquino na si Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong August 21, 1983.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.