“Natupad na ang huling habilin ng aking ama” – Gov. Imee Marcos

By Chona Yu November 18, 2016 - 02:23 PM

Statement Inquire rPhoto 2Itinuturing ng pamilya Marcos na katuparan sa huling habilin ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang paglilibing sa kaniya ngayon sa Libingan ng mga Bayani.

Sa official statement ng pamilya Marcos na binasan ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, sinabi niyang natupad ngayong araw na ito ang huling habilin ng kanilang ama na maihimlay kasama ng kanyang mga kapwa sundalo.

Kasabay nito, nagpasalamat ang pamilya Marcos sa lahat ng sumuporta sa karapatan ng dating pangulo ng maihimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Kabilang sa mga pinasalamatan si Pangulong Rodrigo Duterte, ang Korte Suprema na pumabor sa Marcos burial sa LNMB at sa “libu-libong nagmamahal at nagmamalasakit” sa pamilya Marcos na kasama umano nilang nanalangin ng halos tatlong dekada.

Humingi rin ng paumahin ang pamilya sa pasya nilang gawing simple lang, pribado at taimtim ang paglilibing sa dating pangulo.

Layon umano nitong hindi na masaktan pa ang mga “nagdaramdam” o ang mga hanggang sa ngayon ay tutol pa rin sa proseso.

TAGS: Imee Marcos, lnmb, Marcos burial, Imee Marcos, lnmb, Marcos burial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.