Petitioners vs Marcos burial sa LNMB, dismyado sa “biglaang” paglilibing sa dating Pangulo
Nadismaya ang mga naghain ng petisyon kontra sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani dahil minadali umano na mailibing ito ngayong araw.
Ayon kay dating Bayan Muna Party List Rep. Neri Colmenares, hindi man lamang hinintay na maging final and executory ang desisyon ng Korte Suprema.
Ani Colmenares, tila inalisan silang mga petitioner ng karapatan na maghain ng apela.
May mga motion for reconsideration pa aniyang ihahain ang mga petitioner sa Marcos burial sa LNMB.
Samantala, ayon naman kay National Union of People’s Lawyer (NUPL) Edre Olalia, maituturing na contemptuous ang gagawing paglilibing dahil hindi pa final ang desisyon ng SC.
Ang problema ayon kay Olalia, reprimand o admonition lang naman ang parusa sa contempt.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.