PNP pag-aaralan pa kung papayagan si Kerwin Espinosa na dumalaw sa burol ng ama

By Dona Dominguez-Cargullo, Ruel Perez November 18, 2016 - 10:19 AM

Kuha ni Ruel Perez
Kuha ni Ruel Perez

Pag-aaralan pa ng Philippine National Police ang posibilidad na mapayagan si Kerwin Espinosa Jr., na makadalaw sa burol ng kaniyang ama na si Rolando Espinosa Sr.

Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, nais din naman niyang masilip man lang ni Kerwin ang kaniyang ama bago ito mailibing.

Pero dahil sa security reasons, kailangan itong pag-aralan at planuhing mabuti.

Sa ngayon nakaburol pa rin sa Albuera Leyte ang dating alkalde at may hinihintay pa umanong kapatid nitong uuwi galing US.

Samantala magiging mahigpit ang ipatutupad na seguridad kay Kerwin habang ito ay nasa Camp Crame.

Ani Dela Rosa, walang bisita na papayagang basta-basta makapasok o makalapit kay Kerwin kahit pa abogado o miyembro ng kaniyang pamilya.

Lahat aniya ng bibisita ay dapat may clearance mula kay Sr. Supt. Abert Ferro, hepe ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group.

Kaugnay nito ay inatasan na rin ni Dela Rosa ang PNP Region 8 para bigyang seguridad naman ang pamilya ni Espinosa sa Leyte.

 

 

TAGS: drugs, kerwin espinosa, PNP, rolando espinosa, Ronald dela Rosa, drugs, kerwin espinosa, PNP, rolando espinosa, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.