73 patay, mahigit 100 sugatan sa pagtaob ng isang fuel truck sa Mozambique

By Dona Dominguez-Cargullo November 18, 2016 - 08:05 AM

Mozambique
Aabot sa 73 katao ang nasawi at mahigit isangdaan ang nasugatan matapos na tumaob at saka sumabog ang isang fuel truck habang ito ay pinagkakaguluhan ng mga residenteng kumukuha ng langis sa nasabing truck.

Patungo ng Malawi ang truck galing sa pantalan ng Beira nang maganap ang aksidente.

Ayon kay information ministry director Joao Manasses, inaalam na nila kung ang truck ay sadyang nagbenta ng krudo nang ito ay sumabog o ito ay pinagkaguluhan ng mga residente para kunin ang laman nito.

Karamihan sa mga nasawi ay nagtamo ng matinding sunog sa katawan dahil sa malakas na pagsabog.

Ang mahigit isang daang nasugatan ay ginagamot na sa ospital.

TAGS: 73 people killed, breaking news, Fuel Tanker exploded, Mozambique, 73 people killed, breaking news, Fuel Tanker exploded, Mozambique

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.