Mas kaunting aberya sa holiday season, target ng MRT maintenance provider

By Kabie Aenlle November 18, 2016 - 04:57 AM

MRT3Nagdo-doble kayod na ngayon ang maintenance provider ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) upang tiyakin na magiging maayos ang operasyon nito sa nalalapit na holiday rush.

Sa ilalim ng kanilang kontrata, papalitan ng Busan Universal Rail Inc. (BURI) ang buong signaling system ng MRT-3 sa loob ng 24 buwan.

Ito ay para ma-upgrade at mas matiyak ang kaligtasan ng MRT-3, upang mas kaunting aberya na ang maranasan ng mga commuters lalo na ngayong malapit na ang holiday season.

Ayon pa sa BURI, isinailalim na nila sa bogie inspections ang 52 cars, at lahat ng mga bogie frames na may sira na ay pinalitan na gamit ang mga spares.

Pinalitan na rin nila ang mga depektibong motor at mga aircon compressors.

Ayon kay BURI spokesperson Charles Mercado, batid nila ang kahalagahan na mabigyan ng mabilis at ligtas na transportasyon ang lahat ng mga mananakay ngayong holiday season.

Dagdag pa ni Mercado, nalampasan na nila ang kanilang target na maximum serviceable number ng bagon mula nang mag-umpisa ang kanilang kontrata noong Enero.

Sa ngayon, 65 na bagon ang nasa mabuting kondisyon, na katumbas ng 20 tren na may karagdagan pang isang train set at extra na dalawang train cars.

Sumasailalim naman ngayon sa general overhaul ang apat na train cars.

Gayunman, sinabi ni Mercado na dahil na rin sa katandaan ng system ng MRT-3 na halos 20 taon na, posible pa ring magkaroon ng mga breakdowns at temporary shutdown kahit pa magsagawa sila ng maintenance at calibration.

Ang trabaho aniya nila ay mabawasan lamang ang mga aberya na maaring maranasan ng MRT-3.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.