DMCI, nagbawas na ng 62% sa kanilang workforce dahil sa mining suspension

By Kabie Aenlle November 18, 2016 - 04:52 AM

MiningNasa bingit na ng paghahain ng “work stoppage” ang DMCI group dahil sa suspensyon na ipinataw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kanilang mga nickel mining sites sa Palawan at Zambales.

Dahil kasi dito, napilitan silang bawasan ang kanilang workforce ng 62 percent, kaya mula sa dating 550, ibinaba nila sa 207 ang kanilang manpower.

Ito ay bukod pa sa libu-libong seasonal workers na tinanggap noong kasagsagan ng malakas na produksyon ng kanilang minahan.

Nakatanggap ang subsidiary nito na Berong Nickel Corp. (BNC) ng suspension order mula sa DENR noong June dahil sa umano’y discoloration ng ilog ng Barangay Berong.

Sunod namang nasuspinde ang Zambales Diversified Metals Corp. dahil sa mga “social issues.”

Ayon kay DMCI mining president Cesar Simbulan Jr., wala na silang magawa kundi pakawalan ang karamihan sa kanilang mga empleyado.

Ginagawa naman aniya nila ang lahat para mag-iwan ng maraming tauhan sa pamamagitan ng paglagak sa kanila sa rehabilitation sites, ngunit sadyang hindi ito gaanong matrabaho kumpara sa miusmong minahan.

Sinabi ni Simbulan na iniisip na nilang maghain ng work stoppage sa Department of Labor and Employment (DOLE), pero sa ngayon ay hindi pa nila ito ginagawa sa pag-asang maiaalis na ang suspension order sa kanilang mga minahan.

Oras kasi na maghain ng works stoppage ang kumpanya, obligado silang pa-swelduhin ang mga trabahador na para bang pumapasok talaga sila.

Ginagamit ito na pangkaraniwang labor-saving device ng mga kumpanya na nakararanas ng mga problemadong sitwasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.