Dutch airport, bantay-sarado ng military police dahil sa threat

By Kabie Aenlle November 18, 2016 - 04:44 AM

Rotterdam-The-Hague-Airport-genericNag-lunsad ng imbestigasyon ang military police ng Netherlands sa isang paliparan dahil sa natanggap nilang anonymous threat.

Ayon sa pahayag ng pulisya, isinagawa ang imbestigasyon sa Rotterdam The Hague Airport, Huwebes ng hapon (oras sa kanila) dahil sa anonymous report ng posibleng banta sa seguridad sa paliparan.

Ipinakita ng Dutch broadcaster na NOS ang mga armadong sundalo na nagbabantay sa kalsada patungo sa paliparan.

Kinumpirma naman ni military spokesman Steven Comba sa Associated Press na nagsasagawa nga sila ng imbestigasyon ngunit tumanggi naman itong magbigay ng iba pang detalye.

Sa kabila naman ng mas mahigpit na seguridad sa paliparan, lumalabas na hindi naman nito naapektuhan ang mga flights mula at papunta sa nasabing regional airport.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.