Dating Cong. Jose Villarosa, hinatulang makulong ng hanggang 10 taon ng Sandiganbayan dahil sa katiwalian

By Isa Avendaño-Umali November 17, 2016 - 11:18 AM

sandiganbayan-0704Hinatulan ng guilty ng Sandigangbayan si dating Occidental Mindoro Congressman Jose Villarosa sa kasong katiwalian at malversation na isinampa laban sa kanya ng Office of the Ombudsman.

Ito ay may kaugnayan sa maanomalya umanong paggastos sa tatlong milyong pisong trust fund ng bayan ng San Jose, Occidental Mindoro noong siya pa ang alkalde taong 2010 at 2011.

Sa pasya ng mga mahistrado ng first division ng Sandiganbayan, hinatulan na makulong ng anim hanggang sampung taon si Villarosa.

Maliban dito, diskwalipikado na ang dating mambabatas na humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

Nauna ng sinampahan ng labingdalawang kaso ng katiwalian at labingdalawang kaso ng malversation of public fund si Villarosa.

Nag-ugat ang kaso sa hindi otorisadong paggamit sa trust fund na nagkakahalaga ng P2.9 million na mula sa Tobacco Excise Tax.

 

 

TAGS: graft, Jose Villarosa, malversation, Occidental Mindoro, sandiganbayan, graft, Jose Villarosa, malversation, Occidental Mindoro, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.