Lima ang patay, 13 pa ang nawawala sa sunog sa isang mall sa Peru

By Dona Dominguez-Cargullo November 17, 2016 - 06:31 AM

Larcomar shopping center | Photo from limaeasy.com
Larcomar shopping center | Photo from limaeasy.com

Bago ang pormal na pagsisimula ng APEC summit sa Peru, isang trahedya ang naganap sa isang mall sa Lima.

Lima ang nasawi matapos ang sunog sa isang sinehan sa Larcomar shopping center.

Ayon sa mga otoridad, hindi pa nila matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima na apat na lalaki at isang babae.

Ayon kay Lima Fire Department Chief Miguel Eduardo Yi, inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at patuloy din ang paghahanap sa mga nawawalang indibidwal.

Bukas, oras sa Peru ang pormal na pagsisimula ng APEC summit na dadaluhan ng iba’t ibang lider ng bansa kabilang si Pangulong Duterte.

Habang ang hotel kung saan mananatili si U.S. President Barack Obama ay nasa harapan lamang ng nasunog na mall.

 

TAGS: breaking news, fire, Larcomar Shopping Center, Lima Peru, breaking news, fire, Larcomar Shopping Center, Lima Peru

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.