Klase sa isang paaralan sa Maynila, sinuspinde dahil sa bomb threat

By Erwin Aguilon November 16, 2016 - 12:55 PM

Rajah Soliman HS | Wikimapia
Rajah Soliman HS | Wikimapia

Isa na namang paaralan sa lungsod ng Maynila ang binulabog ng bomb threat, Miyerkules ng umaga.

Nakatanggap ng text message ang officer-in-charge ng Rajah Soliman Science and Technology High School sa Binondo Maynila na si Juliet Fajardo dakong alas 9:17 ng umaga.

Nakasaad sa text message na may bombang sasabog sa break time ng paaralan.

Dahil dito kaagad pinalabas ng classroom ang mga mag-aaral at itinawag sa Manila Police District bomb squad.

Agad namang nagsagawa ng paggalugad ang bomb squad sa paaralan at wala namang nakitang anumang pampasabog.

Sa kabila nito ay pinauwi na rin ang mga bata at kinansela na ang panghapong klase

Hinala naman ni Dr. Imelda Mendez, principal ng paaralan, maaring may gumagawa talaga ng panggugulo dahil hindi lamang ito ang paaralang nakatanggap ng bomb threat.

 

 

TAGS: binondo manila, Bomb threat, class suspension, Rajah Soliman High School, binondo manila, Bomb threat, class suspension, Rajah Soliman High School

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.