Novena, iaalay kay Ex-Pres. Marcos bilang paghahanda sa libing nito

By Jay Dones November 16, 2016 - 04:44 AM

 

Ferdinand-Marcos (1)Magsasagawa ng siyam na araw na ‘novena’ ang mga taga-Ilocos Norte para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang bahagi ng paghahanda sa nakaamba nitong paglilibing sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon sa statement mula sa presidential center sa Batac City kung saan lumaki si Marcos, sisimulan ang ‘lualo’ o ‘prayers for the dead’ sa naturang lungsod ngayong araw, Miyerkules.
Magsisimula ang ‘novena’ ng alas 3:00 ng hapon na pangungunahan ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos at kapatid ng yumaong pangulo na si Fortuna Marcos-Barba.

Susundan ito ang misa dakong alas 4:00 ng hapon.

Ang susunod na mga novena ay gaganapin sa Sarrat, Ilocos Norte kung saan ipinanganak ang dating pangulo, Dingras, Vintar, Bacarra, Laoag City, Badoc at Paoay.

Ang huling ‘lualo’ ay gaganapin naman muli sa Batac sa November 24.

Sa kasalukuyan, wala pang anunsyo kung kailan ang pormal na paghahatid sa LIbingan ng mga Bayani ng mga labi ni dating pangulong Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.