Marcos burial, tuloy hangga’t hindi pinipigilan ng SC-Duterte

By Kabie Aenlle November 16, 2016 - 04:44 AM

 

duterte marcosIginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuloy pa rin ang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani hanggang sa pinapayagan rin ito ng Korte Suprema.

Ani Duterte, nahati ang mga mamamayan dahil lamang sa pagkakadamay sa alitan ng dalawang pamilya na siya ring dahilan ng mga debate kaugnay sa pagpapalibing sa yumaong diktador.

Tinutukoy ng pangulo sa pahayag na ito ay ang pamilya ng mga Marcos at ang pamilya ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Dagdag pa ng pangulo, dapat ay nagpatupad ang mga kumokontra ng isang batas na magbabawal sa paglilibing kay Marcos sa LNMB noon pa.

Wala rin aniya siyang magagawa tungkol dito hangga’t wala siyang pinanghahawakang dokumento dahil noong November 8 lang ay pinayagan na ito ng Korte Suprema.

Sa kabila rin ng maraming pagtutol, nanindigan rin si Duterte na dapat lang payagang mailibing sa LNMB si Marcos bilang dating sundalo at pangulo ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.