De Lima sa taumbayan: “Respeto lang”

By Kabie Aenlle November 16, 2016 - 04:43 AM

 

Inquirer file photo

Nakiusap si Sen. Leila de Lima sa publiko na respetuhin ang kaniyang pribadong buhay, matapos niyang aminin sa wakas ang kaniyang naging relasyon sa dati niyang driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.

Sa pahayag ni De Lima kahapon, iginiit niya na hindi na niya muling uungkatin pa ang tungkol sa naging relasyon niya kay Dayan.

Kasabay nito ay tiniyak ng senadora na hindi niya hahayaang makaapekto ang mga isyu sa kaniyang pribadong buhay sa kaniyang trabaho.

Aniya, sinabi na niya ang dapat niyang sabihin at wala na siyang idadagdag dito, pero umaasa siya na rerespetuhin na ng publiko ang kaniyang pribadong buhay at tigilan na ang paglalagay ng malisya dito.

Dagdag pa ng senadora, tulad ng karamihan sa mga tao mayroon talagang mga pinagdadaanan sa buhay na hindi maituturing na pinakamaigi at pinakamatalinong desisyon at relasyon.

Aniya, may natutunan naman siya sa kaniyang mga naging karanasan at ginamit niya na lang ito para pagtuunan ang iba pang mabubuting bagay na maari niyang gawin.

Sa ngayon aniya ang kaniyang misyon ay maitigil na ang extrajudicial killing sa bansa, pati na rin ang pagresolba sa iba pang isyu na kinakaharap ng Pilipinas.

Sa kabila aniya ng mga panganib sa kaniyang buhay at reputasyon, mas determinado na siyang ipagpatuloy ang kaniyang mga isinusulong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.