Duterte humingi na ng tulong sa mga mambabatas kontra droga

By Chona Yu November 15, 2016 - 05:20 PM

duterte21
Inquirer file photo

Nagpasaklolo na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado at Kamara para sa pagsugpo sa ilegal na droga.

Ito ay matapos pulungin ng pangulo ang mga mambabatas sa Legislative Executive Development Advisory Council (Ledac) meeting kagabi sa Malakanyang.

Sa naturang pagpupulong, binigyan ng pangulo sina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez ng tig-isang kopya ng hawak niyang validated na listahan ng mga drug personalities sa bansa.

Una Dito, mariin ang pagsusulong ng pangulo na ibalik ang death penalty law sa mga sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Ayon naman kay Presidential Legislative Liaison Office o PLLO Sec. Adelino Sitoy, nakatakda pa sa December 5 ang executive committee meeting ng Ledac kung saan ilalatag ang mga priority bills na dapat isulong sa Kamara at Senado.

TAGS: Alvarez, duterte, ledac, Pimentel, Alvarez, duterte, ledac, Pimentel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.