NBI handang bigyan ng proteksyon si Kerwin Espinosa
Hindi isinasantabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ang posibilidad na ang National Bureau of Immigration na lang ang magbabantay kay Kerwin Espinosa.
Katuwiran ni Aguirre ito ay dahil sa iskandalong nilikha ng operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8 na humantong sa pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Ronaldo Espinosa Sr. noong November 5.
Sinabi pa ng kalihim na sumulat na siya kay Philippine National Police Chief Ronald dela Rosa at ipinaalam na handa ang NBI na tumulong sa pagbabantay kay Kerwin.
Ngunit sinabi ni aguirre na pagdating ni kerwin sa naia ay maaring idiretso muna ito sa pnp custodial center sa campcrame.
Kaninang umaga, sinabi ni Dela Rosa na ang PNP ang siyang mangangasiwa sa seguridad para kay Kerwin at kung posible ay sila na rin ang magbibigay ng proteksyon pati sa mga kaanak nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.