Senado, hindi basta-basta masisibak si Sen. Joel Villanueva
Kailangan munang tugunan ng Office of the Ombudsman ang motion for reconsideration (MR) na inihain ni Senador Joel Villanueva bago ito sibakin sa pwesto.
Ayon kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III, nakatanggap siya ng impormasyon na naghain ng mosyon si Villanueva.
Bago aniya aksyunan ang liham ng Ombudsman sa Senado hinggil sa utos na sibakin si Senator Villanueva, kailangan munang matugunan ang apela.
Gayunman, isasangguni ni Pimentel sa rules committee ng Senado ang kautusan ng Ombudsman na umano’y mas mabuting paraan.
Pinangungunahan ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang naturang komite.
Pinasisibak sa pwesto ni Ombudsma Conchita Carpio-Morales si Villanueva matapos dahil sa diumano’y maanomalyang paggamit sa 10 milyung piso na kaniyang Priority Development Assistance Fund nang siya’y kongresista noong 2008.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.