Sa Huwebes, November 18, inaasahang babalik sa bansa si Kerwin Espinosa mula sa United Arab Emirates (UAE).
Ayon kay Philippine National Police chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, kung makakakuha ng clearance mula sa korte ang PNP, ididiretso si Kerwin sa headquarters sa Camp Crame sa Quezon City.
Tiniyak din ni Dela Rosa na bibigyan ng mahigpit na seguridad ang nakababatang Espinosa, matapos na mapatay habang nasa kulungan ang ama niya na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Sinabi ni Dela Rosa na bumiyahe na patungong Abu Dhabi si PNP-Anti-Illegal Drugs Group chief Sr. Supt. Albert Ferro, upang sunduin si Kerwin na kasalukuyang nasa kustodiya ng Abu Dhabi Police.
Tatalakayin din ng PNP sa Department of Justice ang usapin ng kostodiya kay Kerwin, dahil may nauna nang pahayag ang justice department na nais nilang mapunta sa kanila ang kustodiya kaky Kerwin.
Ani Dela Rosa, hindi naman nila panghihimasukan ang naisin ni Kerwin na maisailalim siya sa Witness Protection Program.
WATCH: Kerwin Espinosa, balik Pinas na sa Huwebes, ididiretso sa Camp Crame ayon kay Dela Rosa | @iamruelperez pic.twitter.com/XXV7IEpRkH
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) November 14, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.