Dalawang magkasunod na lindol yumanig sa Isabela at Batangas
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Cabatuan sa Isabela.
Ayon sa Phivolcs, alas 7:47 nang maitala ang lindol sa 10 kilometer South west ng Cabatuan.
Tectonic ang origin ng lindol at mayroong lalim na 8 kilometer.
Naitala ang intensity IV sa Cauayan, Isabela habang Intensity III ang naitala sa Maddela, Quirino at sa Lamut, Ifugao bunsod ng nasabing lindol. Samantala, ilang minuto ang nakalipas, niyanig din ng magnitude 4.4 na lindol ang Calatagan, Batangas 7:56 ng umaga.Sa datos ng Phivolcs, naitala ang lindol sa 16 kilometer west ng bayan ng Calatagan.
Tectonic din ang origin ng pagyanig at may lalim na 105 kilometer.
Naitala naman ang Intensity II sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; at Intensity I sa Tagaytay City.
Sa panayam naman ng Radyo Inquirer, sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na patuloy ang pag-antabay nila sa ulat ng iba pang mga lugar sa Batangas at Isabela na posibleng nakaramdaman ng pagyanig.
Hindi naman inaasahan ni Solidum na magdudulot ng pinsala ang dalawang lindol.
Samantala, kaninang alas 6:33 ng umaga, naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 3.7 na lindol sa Baculin, Davao Oriental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.