Tatlong umano’y drug suspects, patay sa encounter sa QC

By Kabie Aenlle November 14, 2016 - 04:33 AM

 

Kuha ni Kabie Aenlle

Patay ang tatlong umano’y drug suspects matapos maka-engkwentro ang mga pulis sa buy bust operation ng Masambong Station 2 ng Quezon City, sa Palawan cor. Pampanga Sts., Brgy. Sto. Kristo.

Target ng operasyong ang drug pusher na kinilala lamang sa alyas “Alvin” na itinuturo umano ng iba pang drug personalities bilang kanilang supplier.

Ayon kay PCP2 Station Commander Supt. Igmedio Bernaldez, unang nagsagawa ng test-buy ang kanilang poseur buyer ng P500 na halaga ng shabu kay Alvin.

Gayunman, natunugan umano ng suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon.

Agad na inalarma ni Alvin ang kaniyang dalawa pang kasamahan sa loob na kinilalang sina alyas “Ding’ at alyas ” Tikyu”.

Nang pasukin na ng mga pulis ang tahanan, pinaputukan umano agad sila ng mga suspek, kaya gumanti rin ang mga pulis na ikinasawi naman ng tatlo.

Ayon pa kay Bernaldez, narekober sa mga suspek ang tatlong handgun at mga drug paraphernalia.

Si alyas Alvin aniya ay kasama na sa kanilang drug watchlist.

Dagdag pa ni Bernaldez, nagsagawa na rin ang PDEA ng operasyon sa lugar na ito noon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.