Banta ni Pangulong Duterte na pagsuspinde sa writ of habeas corpus, isa lamang ideya ayon sa Palasyo

By Mariel Cruz November 13, 2016 - 01:40 PM

duterte sual pangasinanNagbigay ng linaw ang Malacanañg sa naging pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte na sususpindehin ang writ of habeas corpus.

Ito ay kung magpapatuloy ang lawlessness sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang posibilidad ng pagsususpinde sa writ of habeas corpus ay isa lamang ideya na lumutang sa isipan ng pangulo.

Ang naging pahayag aniya ni Duterte sa pagsuspinde ng writ of habeas corpus ay may kinalaman sa problema sa iligal na droga ng bansa.

Dagdag ni Andanar, nababahala na si Pangulong Duterte sa lumalalang problema sa droga sa bansa kung kaya’t ilang beses na itong humingi ng tulong sa publiko dahil hindi niya ito mareresolba ng mag-isa lamang.

Pero sa kabila nito, iginiit ni Andanar na hindi ibig sabihin nito ay nabigo ang gobyerno na sugpuin ang iligal na droga sa bansa sa unang anim na buwan ng administrasyong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.