1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa E-GAMES outlet sa Quezon Avenue

August 05, 2015 - 08:13 AM

Shooting incident QC via erwin aug 5
Kuha ni Erwin Aguilon

Isa ang patay at isa ang sugatan sa insidente ng pamamaril sa sangay ng isang E-games sa Quezon Avenue bago sumapit ng Araneta Avenue sa Barangay Paligasahan sa Quezon City.

Dalawang armadong lalaki ang namaril sa mga biktimang sina Audio Poliran, security guard ng establisyimento at ang sinasabing may-ari ng E-games na si Enrico Lim.

Dead-on-the-spot si Poliran habang isinugod naman sa ospital si Lim dahil sa tinamong tama ng bala ng baril. Hindi pa matukoy ng mga otoridad ang motibo sa krimen, pero tinangay ng dalawang suspek ang land cruiser ni Lim na mayroong plate number na PEI 116.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasakay umano si Lim sa kanyang sasakyan nang biglang dumating ang dalawang suspek na sakay din ng SUV.
Nang makita ni Lim ang dalawang armadong lalaki ay tumakbo ito papasok sa E-Games at doon na ito binaril ng mga suspek gayundin ang nakatalagang security guard na si Poliran.

Pinaghahanap na ng mga otoridad ang mga suspek na mabilis tumakas sakay ng dalawang suv kasama na ang sasakyan ni Lim. / Erwin Aguilon

TAGS: shooting incident in Quezon City, shooting incident in Quezon City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.