Hoax news sa Facebook, walang kinalaman sa resulta ng US elections
Mariing itinanggi ni Facebook chief Mark Zuckerberg na may kinalaman ang mga pekeng balitang naibahagi sa nasabing social network, sa pagkapanalo ni President-elect Donald Trump.
Inilarawan ni Zuckerberg bilang “crazy idea” ang mga pambibintang na nagkaroon ng epekto ang mga kumakalat na hoax news sa Facebook sa nagging resulta ng katatapos lamang na US elections.
Pinawi rin ni Zuckerberg ang pagkabahala ng ilan sa pagkakaroon ng “bubbles” sa Facebook, kung saan ang makikita lang lagi ng mga users ay ang mga posts o balita na sang-ayon o kapareho ng kanilang mga paniniwala.
Giit pa niya, ang mga botante ay nagde-desisyon base sa kanilang experience.
Wala rin aniyang mali sa pagtitiwala sa kung ano ang gusto at kung ano ang mahalaga sa mga users nila, na naging basehan ng kanilang binuong sistema na sasalamin dito.
Dagdag pa ni Zuckerberg, bagaman maraming users ang may friends na kapareho nila sa mga pananaw, mayroon pa rin namang naiiba sa pamamagitan ng paniniwala, relihiyon o lahi.
Bakit rin aniya naman iisipin ng mga tao na mas mayroong hoax news tungkol sa isang kandidato, habang wala naman sa isa pang kandidato.
Nabatid rin aniya ng Facebook na ang mga users ay hindi masyadong interesadong magbukas ng mga links na labag o taliwas sa kanilang mga pinaniniwalaan.
Aniya pa, base sa kanilang pananaliksik, wala namang nagiging problema ang kanilang news-filter bubbles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.