Kaso ni De Lima vs. Duterte, diretso lang sa basura ayon kay Aguirre

By Kabie Aenlle November 12, 2016 - 04:27 AM

De Lima and AguirreNaniniwala si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na mapupunta lang sa basurahan ang kasong isinampa ni Sen. Leila de Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang humingi ng tulong si De Lima sa Korte Suprema sa pamamagitan ng petition for habeas data upang subukang pigilan si Duterte at ang kaniyang mga tauhan na mangalap ng mga impormasyon tungkol sa kaniyang personal na buhay.

Hinimok rin ni De Lima sa petisyong ito na iutos ang pagsira sa mga nakalap nang personal niyang impormasyon.

Giit ni De Lima, ang mga pag-atake sa kaniyang pagkababae, pati na ang mga banta laban sa kaniya ay hindi sakop ng immunity from suit ng pangulo.

Pero ayon kay Aguirre, malabong mapatigil ang mga otoridad sa pag-iimbestiga lalo’t hindi bababa sa 10 katao ang nagsasabing protektor si De Lima ng kalakalan ng iligal na droga.

Hindi niya rin aniya maisip na mapagsasabihan ng Korte Suprema ang pulisya, ang pangulo at ang Department of Justice na imbestigahan ang taong nahaharap na sa ilang kaso.

Bukod pa rito, sinabi rin ni Aguirre na ang presidential immunity from lawsuit ay isa nang absolute at established doctrine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.