Deposition ni Mary Jane Veloso, pinayagan ng korte

By Kabie Aenlle November 12, 2016 - 04:26 AM

mary jane velosoPinayagan ng isang regional trial court sa Nueva Ecija ang mga abogado ng pamahalaan na tumungo sa Indonesia at kunin ang deposition ng convicted drug trafficker na si Mary Jane Veloso.

Ito’y matapos ring ibasura ng korte ang motion for reconsideration ng mga recruiters ni Veloso na sina Ma. Cristina Sergio at Julius Lacanilao.

Naglabas si Judge Anerica Castillo-Reyes ng resolusyon noong Agosto na payagan ang prosekusyon na hingin ang testimonya ni Veloso ngunit kinontra ito ng Public Attorney’s Office na kumakatawan naman kina Sergio at Lacanilao.

Giit PAO sa kanilang motion for reconsideration, ang paghingi ng testimonya ni Veloso ay magiging prejudicial para sa kanilang mga kliyente na sina Sergio at Lacanilao.

Gayunman, walang nakikita si Reyes na dahilan para baliktarin ang nauna niyang resolusyon na payagan ang deposition ni Veloso.

Hindi naman nabanggit ng hukom kung kelan maaring lumipad patungong Indonesia ang mga abogado.

Ayon kay Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s lawyers na kumakatawan kay Veloso, mabibigyan na sa wakas ng bagong ruling ang kanilang kliyente ng oportunidad na tumestigo at isalaysay ang mga nangyari.

Si Veloso ngayon ay nasa death row sa Indonesia, ngunit ipinagpaliban muna ng pamahalaan ang pag-bitay sa kaniya upang payagan siyang makibahagi sa paglilitis kina Sergio at Lacanilao.

Excerpt:

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.